Wednesday, February 21, 2007

Dismayado

Dismayado ako sa araw na ito dahil sa paulit ulit na pag babago sa schedule ng Congress.

Seryoso ang suporta na binibigay ko sa adhikain na ito ngunit ang patuloy na hindi siguradong sistema dito ay nakasalalay rin ang pangalan ko.

Pag ang February 27 ay inatras pa, hindi na ako susuporta sa Congress na ito dahil sa kawalan na ng tiwala. At hindi na ako natutuwa.

Pero nais ko sabihin sa lahat na hindi pa naman huli ang lahat. Mag oobserba na lang uli ako kung ano pa ang mga mangyayari,

Ang pagdesisyon na ikansela ng seremonyas ngayong araw ay isang pagkakamali na bigyan ng pansin ng KWF at NCCA.

Hindi ko pa sila ngayon masisisi dahil di ko alam ang kanilang dahilan at ang proseso ng pagkansela.

Urong Sulong Urong Sulong..paano tayo makakatuloy sa paroonan?

Nais ko rin po magpaumanhin sa lahat ng bumibisita dito at bumabasa ng mga artikulo ko ukol sa Komiks Congress.

Hinihiling ko ngayon ang kunting pasensiya at hinahon sa lahat habang nasa kritikal pa na kondisyon ang ating industriya.

Matagal ko ng gustong sabihin sa lahat ito ngunit tinitingnan ko muna ang bawat anggulo ng bawat sasabihin ko. Saksi po ako sa
nangyayari sa ngayon at di ko po ito pwede ipagpawalang bahala.

Magandang araw sa lahat at sana i divert na lang muna natin lahat ng atensiyon natin para malimutan ito.

3 comments:

Jon said...

Pagbigyan mo muna sila ngayon. Mahirap talaga minsan makipag-usap sa kahit na sinong taga-ahensya ng mga gobyerno sa experience ko, lokal o national man. Uubusin ang pasensya mo.

ARTLINK STUDIOS said...

Sir Jon,

Salamat sa pagpapahupa ng disappointment ko.

Kaya nga di umuunlad masyado ang bansa natin dahil bulok na ang ibang pagpapalakad sa ating gobyerno.

Masyado na tayong behind.

Anonymous said...

sir Jon

i hope you don't forget the only winner of komipeb in the 80's....mar t. santana.....to be given tribute. you can ask carlo j. caparas about him( the one who gave him a break). he was once part of it and can be considered "haligi ng pinoy komiks"

don santana